Miyembro ng BADAC, nakiisa sa Makabuluhang Talakayan sa Aurora
Nakiisa ang mga miyembro ng Barangay Anti-Drug Awareness Council (BADAC) at Barangay Peace and Order Council (BPOC) sa makabuluhang talakayan sa Barangay Ditale, Dipaculao, Aurora nito lamang ika-23 ng Diyembre 2024.
Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Dipaculao Municipal Police Station, na pinangunahan ni PEMS Daisy G. Busaing, Chief ADMIN PNCO sa ilalim ng superbisyon ni Police Major Emilio B. Sison, Chief of Police, kasama ang Punong Barangay na si Ms. Eliza R. Mape. Sa nasabing pagpupulong, tinalakay ang mga hakbang na maaaring gawin upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa barangay.
Pinagtuunan ng pansin ang mga programang pangkaligtasan at mga estratehiya upang labanan ang ilegal na droga, na naglalayong pataasin ang kamalayan ng mga residente sa mga ganitong usapin.
Layunin ng programa na magbigay ng tamang kaalaman sa komunidad upang maging aktibong katuwang sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaligtasan sa kanilang lugar.