Force Multiplier, nakiisa ulit sa paghatid ng tulong sa Negros Oriental

0

Nakiisa ang mga miyembro ng Force Multiplier sa paghatid ng tulong sa mga apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon na ginanap sa bodega ng National Food Authority (NFA) sa Guihulngan City patungong Canlaon City, Negros Oriental noong ika-2 ng Enero 2024.

Tumulong din ang Guihulngan City Police Station sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Lirio C Coral, Officer In Charge, kasama ang Canlaon City Police Station, 64th Special Action Company (PNP SAF), 62nd Infantry Battalion ng Philippine Army, Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection (BFP), mga empleyado ng lokal na pamahalaan, at iba pang mga volunteers.

Ang mga Family Food Packs na mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay bahagi ng mas malawak na layunin ng bagong administrasyon na tiyakin ang mabilis at maayos na pagtugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan, lalo na sa mga mahihirap na lugar.

Ang pagsasama-sama ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno, force multiplier, at mga volunteers ay nagbigay ng inspirasyon at pag-asa sa komunidad.

Isa itong malinaw na mensahe na sa Bagong Pilipinas, walang maiiwan sa mga layunin ng progreso at kaunlaran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *