BPAT trainees, ipinamalas ang kahandaan sa 5-Day Capability Enhancement Training
Matagumpay na isinagawa ang simulation exercises bilang culminating activity ng limang-araw na Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) Capability Enhancement Training, na nilahukan ng mga BPAT trainees mula sa iba’t ibang barangay ng Aparri, Cagayan noong Agosto 7, 2026.
Pinangunahan ang aktibidad ng Aparri Police Station sa pamumuno ni PMaj Junneil A. Perez, katuwang ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Bureau of Fire Protection (BFP), Liga ng mga Barangay, Municipal Local Government Operations Office (MLGOO), at Lokal na Pamahalaan ng Aparri.

Tampok sa culminating activity ang limang simulation scenarios—vehicular accident, fire incident, drowning incident, stabbing incident, at obstacle course—na sumubok sa kaalaman, kahandaan, mabilis na pagdedesisyon, wastong pagresponde, at pagtutulungan ng mga trainees sa iba’t ibang sitwasyong pang-emergency. Kinilala rin ang mga natatanging koponan sa pamamagitan ng mga parangal bilang pagkilala sa kanilang husay, disiplina, teamwork, at dedikasyon sa limang-araw na pagsasanay.
Layunin ng pagsasanay na higit pang mapaunlad ang kaalaman at kasanayan ng mga BPAT bilang katuwang ng kapulisan at lokal na pamahalaan sa pagtugon sa mga insidente at pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan sa komunidad. Sa kanilang ipinamalas na kahandaan at pakikiisa, patuloy na pinalalakas ang ugnayan ng pulisya, pamahalaang lokal, at komunidad tungo sa isang ligtas, matatag, at responsableng pamayanan, alinsunod sa adhikain ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Source: PNP Aparri Municipal Police Station