Coastal Clean-up Drive at Mangrove Planting Activity, isinagawa sa Glan, Sarangani Province
Matagumpay na isinagawa ang Coastal Clean-up Drive at Mangrove Planting Activity sa Purok Mauswagon, Brgy. Glan-Padidu, Glan, Sarangani Province nito lamang Enero 4, 2025.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng Glan Municipal Police Station, katuwang ang Saviors of the Sea volunteers, MPA Guards, Community Associate Team Rescue Oneness Public Assistance (CATROPA), Daughters of Mary Immaculate International, Catholic Women’s League at Youth for Environment in School-Organization.
Aktibo rin nakilahok ang mga miyembro ng Advocacy Support Groups, Stakeholders at Barangay Officials. Nilibot ng naturang grupo ang lugar upang mamulot ng basura at sako-sakong basura ang nakolekta at tinatayang nasa 200 mangrove seedlings ang naitanim.
Layunin ng aktibidad na ito upang protektahan ang baybayin laban sa erosion at suportahan ang marine biodiversity.
Tinutulungan din nitong bawasan ang polusyon at pataasin ang kamalayan sa pangangalaga sa kalikasan.