Love Philippines Youth Movement, nagsawa ng Community Outreach

Pinangunahan ng Love Philippines Youth Movement (LPYM), sa pakikipagtulungan ng 1st Davao Occidental Provincial Mobile Force Company ang isang matagumpay na Community Outreach na nagsimula bilang tugon sa pangangailangan ng mga residente ng Barangay Tical, Malita, Davao Occidental nito lamang Enero 4, 2024.

Ang barangay na ito ay isa sa mga lugar na labis na naapektuhan ng pagbaha dulot ng matinding pag-ulan kamakailan.

Naglaan ng oras at lakas ang mga miyembro ng LPYM at ng 1st Davao Occidental PMFC, upang personal na ipamahagi ang mga preloved na damit at mainit na pagkain sa mga pamilyang apektado.

Ang pagtutulungan ng LPYM at PNP ay nagbigay-diin sa kahalagahan ng bayanihan at pagtutulungan sa panahon ng kalamidad.

Ang inisyatibang ito ay hindi lamang nagsilbing tulong sa mga biktima, kundi nagsilbi ring paalala na sa kabila ng mga pagsubok, ang komunidad ay laging mayroong mga tao at organisasyon na handang magbigay ng suporta.

Ang mga ganitong uri ng aktibidad ay nakatutulong hindi lamang sa pisikal na pagbangon mula sa kalamidad, kundi pati na rin sa pagbabalik ng pag-asa at pagkakaisa sa mga apektadong komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *