Community Outreach Program, idinaos sa Malapatan, Sarangani
Nagsagawa ng Community Outreach Program ang Lokal na Pamahalaan ng Malapatan na ginanap sa Poblacion, Malapatan Sarangani nito lamang ika-20 ng Enero 2025.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng Lokal na Pamahalaan ng Malapatan at Malapatan Municipal Police Station na boluntaryong nakiisa sa aktibidad.
Humigi’t kumulang 150 ang mga kabataan ang nabigyan ng masustansyang pagkain at mga damit sa nasabing aktibidad.
Layunin ng mga ganitong programa ay ang makatulong sa mga kabataan nangangailangan ng tulong alinsunod sa direktiba ng ating Pangulong Ferdinand “Bong Bong” Marcos Jr. na Bagong Pilipinas.