Igacos TODA, lumahok sa Security Awareness

0
474014003_1361719888598485_1234420716871179541_n

Aktibong lumahok ang mga miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) sa isang diyalogo at talakayan na pinangunahan ng mga tauhan ng Igacos Police Station sa Barangay Peñaplata, Samal District, Island Garden City of Samal.

Ito ay nagbigay ng pagkakataon sa kapulisan upang magbigay ng impormasyon at mga konkretong hakbang upang maiwasan at malabanan ang mga banta ng kriminalidad, ilegal na droga, at terorismo.

Ang ganitong aktibidad ay hindi lamang nakatuon sa pagpapalaganap ng kaalaman, kundi sa pagpapalakas ng pagtutulungan sa pagitan ng kapulisan at ng mga residente upang mapanatili ang kaligtasan at kaayusan, lalo na sa mga sektor ng transportasyon at komersyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *