Brgy. Based Advocacy Group, nakiisa sa isinagawang lecture sa bayan ng Enrile, Cagayan

Aktibong nakiisa ang Barangay Based Advocacy Group sa isinagawang lecture ng kapulisan ng Enrile Police Station na ginanap sa Brgy Batu, Enrile, Cagayan noong ika- 21 ng Enero 2025.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Master Sergeant Melanie B Lasam, WCPD PNCO, sa ilalim ng pabgangasiwa ni Police Major Peter Bometivo, hepe ng nasabing himpilan.

Tinalakay ang paksa ukol sa Human Rights Development Programs, RA 8353 (Anti Rape Law), RA 11313 (Anti Bastos Law), RA 9262 (Anti-Violence Against Women and their Children), Anti-Criminality Campaign, and Crime Prevention.

Layunin ng aktibidad na ito na mabigyan ng karagdagang kaalaman ang mga Brgy. Based Advocacy Group upang mapanatili ang kaligtasan at mabawasan ang krimen at sakuna sa komunidad.

Ang Barangay Based Advocacy Group ay patuloy na makikiisa at susuporta sa programa ng Pambansang Pulisya tungo sa isang ligtas at maunlad na bagong pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *