BPATs, nakiisa sa Awareness Lecture sa GenSan
Nakiisa ang mahigit 100 kalahok mula sa Barangay Peace and Action Team (BPATs) sa isinagawang awareness lecture tungkol sa Illegal Drugs sa Brgy. Fatima, General Santos City nito lamang Enero 23, 2025.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng LGU Fatima kasama ang mga tauhan ng General Santos City PNP, Barangay Health Workers, Purok Leaders and women sector ng nasabing barangay.
Layunin ng aktibidad na ito na isulong ang kamalayan at pagkakaisa sa ating mga pagsisikap na pigilan ang anumang uri ng kriminalidad.
Alinsunod sa layunin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hindi titigil ang himpilan sa pagkakaroon ng mga programang magpapayabong sa kaalaman at kakayahan ng bawat bata at kabataan upang maging responsableng mamamayan na marunong sumunod sa batas at higit sa lahat may takot sa Diyos.