Tree Growing Activity, tulong-tulong na inilunsad sa Taytay, Palawan

0
viber_image_2026-09-18_12-18-13-285

Bilang pakikiisa sa Maritime and Archipelagic Nation Awareness Month (MANAM) 2026 at pagdiriwang ng 10th Anniversary ng Kuyawyaw Falls, nagkaisa ang mga residente at awtoridad mula sa R-PSB Team ng 2nd Palawan PMFC sa isinagawang Tree Growing Activity sa Barangay Cataban, Taytay, Palawan.

Ang naturang aktibidad ay isinagawa alinsunod sa selebrasyon ng anibersaryo ng Kuyawyaw Falls sa ilalim ng temang “Celebrating 10 Years of Kuyawyaw Falls as a Haven for Nature, Community and Sustainable Tourism,” na naglalayong palakasin ang kamalayan at pakikilahok ng komunidad sa pangangalaga ng kalikasan at pagpapanatili ng mga likas na yaman ng lugar.

Sa isinagawang tree growing activity, nakapagtanim ang mga kalahok ng mahigit 150 punong Narra, na magsisilbing ambag sa pagpapanumbalik at pagpapanatili ng luntiang kapaligiran sa paligid ng komunidad at tourist destination.

Nakiisa rin sa aktibidad ang mga tauhan ng Municipal Tourism Office, DENR/PAMO, Office of the Vice Mayor, Office of the Mayor, CENRO, mga tour guides, at Barangay Officials ng Cataban.

Binigyang-diin sa aktibidad ang kahalagahan ng bayanihan at inter-agency cooperation sa pangangalaga ng kalikasan. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng mga ahensya ng pamahalaan, lokal na pamahalaan, tourism stakeholders at komunidad, naipapakita ang kolektibong responsibilidad sa pangangalaga ng mga likas na yaman para sa kasalukuyan at susunod na henerasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *