Community Anti-Terrorism Awareness Know Thy Enemy Lecture, isinagawa sa Nueva Ecija
![](https://lingkodbayanblog.com/wp-content/uploads/2025/01/474576001_8724798934292726_792447367769852154_n.jpg)
Nagsagawa ng isang makabuluhang talakayan ang pulisya na aktibong nilahukan ng mga residente ng Barangay Dizol, San Jose City, Nueva Ecija nito lamang ika-28 ng Enero 2025.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng 2nd Nueva Ecija Provincial Mobile Force Company sa pangunguna ni Police Corporal Flora Blanca Alipio, Assistant CAD PNCO sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Warly Calingayan Bitog, Force Commander ng nasabing yunit.
Itinampok sa nasabing aktibidad ang patungkol sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na nakatuon sa paglutas ng mga ugat ng insurhensya at pagsusulong ng pangmatagalang kapayapaan sa bansa.
Bahagi rin sa natalakay ang Community Anti-Terrorism Awareness Know Thy Enemy (CATA-KTE), kung saan binigyang-diin ang kahalagahan ng pagiging mapagmatyag sa mga posibleng banta ng terorismo at ang tamang pagtugon dito.
Kasabay nito, ipinaalam din ang mahahalagang patakaran tungkol sa Election Gun Ban upang matiyak ang seguridad at kaayusan sa darating na eleksyon.
Layunin ng nasabing aktibidad na mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at seguridad sa komunidad habang hinihikayat ang aktibong partisipasyon ng mga residente sa mga inisyatibo ng pamahalaan.
![](https://lingkodbayanblog.com/wp-content/uploads/2025/01/474450387_588249770638285_6404308721300320430_n.jpg)