KKDAT, nakiisa sa isinagawang lecture sa Amulung, Cagayan

Aktibong nakiisa ang KKDAT at iba pang mga kabataan sa isinagawang lecture ng 1st Cagayan PMFC sa Barangay Monte Alegre, Amulung, Cagayan nito lamang ika-26 ng Enero 2025.

Pinangunahan ni PSMS Manuel A. Matagay, Team Leader, kasama ang mga kawani ng 3rd MFP, 1st CPMFC, at ang mga opisyal ng barangay sa nasabing aktibidad.

Isang makabuluhang talakayan ukol sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) at kampanya laban sa kriminalidad ang ipinaliwanag sa mga ito.

Binigyang-diin sa talakayan ang mga mahahalagang programa ng gobyerno tulad ng E-CLIP na naglalayong tulungan ang mga dating rebelde na bumalik sa normal na pamumuhay, at ang EO 70 na naglalayong wakasan ang mga iligal na aktibidad ng Communist Terrorist Groups (CTGs).

Layunin ng programang ito na mapalawig ang kaalaman ng mga residente at kabataan sa mga hakbang ng gobyerno upang maitaguyod ang ligtas, mapayapa, at maayos na pamayanan.

Hinikayat din ang pakikibahagi ng bawat isa sa paglaban sa kriminalidad, terorismo, at pagbuo ng isang progresibong komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *