Force Multiplier, nakiisa sa Outreach Program sa Bohol

Nakiisa ang mga miyembro ng force multiplier sa Outreach Program na ginanap sa Barangay La Suerte, Pilar, Bohol, noong ika-29 ng Enero 2025.

Ito ay inisyatiba ng Pilar Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Captain Waldo Suraliza Batad, Chief of Police, katuwang ang Chocolate Hills Eagles Club, ORO Integrated Cooperative (Ubay Branch), at Pilar Barberos Group Association upang maihatid ang libreng serbisyo sa mga residente.

Isa sa mga tampok na bahagi ng programa ang Libreng Gupit, kung saan maraming bata at residente ang nabigyan ng libreng serbisyo.

Ito ay isang simpleng paraan ng pagpapakita ng malasakit ng kapulisan at kanilang katuwang na organisasyon sa komunidad.

Sa patuloy na pakikipagtulungan ng iba’t ibang sektor ng lipunan, patuloy na ipapatupad ang mga makabuluhang programa na maghahatid ng positibong pagbabago sa komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *