Police Auxiliary Force, sumailalim sa Orientation at Practical Exercises
Police Auxiliary Force, sumailalim sa Orientation at Practical Exercises

Sumailalim sa Orientation at Practical Exercises ang mga kasapi ng Police Auxiliary Force na ginanap sa Poblacion, Guihulngan City, Negros Oriental, noong ika-10 ng Marso 2025.
Isinagawa ito ng mga tauhan ng Guihulngan City Police Station sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Lirio C Coral, Officer-In-Charge, katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Guihulngan City.


Ang pagsasanay ay nakatuon sa tamang pamamaraan ng pagposas (Handcuffing Techniques) upang matiyak na ang bawat auxiliary members ay may sapat na kaalaman at kasanayan sa pagsasagawa ng kanilang tungkulin bilang katuwang ng pulisya.
Tinalakay sa nasabing aktibidad ang iba’t ibang mahahalagang paksa kabilang ang layunin ng pagkakaroon ng Police Auxiliary Force, mga tungkulin ng bawat miyembro at kanilang legal na limitasyon, batas trapiko, at mga batas na nagpoprotekta sa kababaihan at mga bata.
Bahagi rin ng diskusyon ang Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 upang gabayan ang mga kasapi sa tamang proseso ng paghawak sa mga kasong may kinalaman sa ipinagbabawal na gamot.
Sa pamamagitan ng ganitong mga programa, mas naipapaliwanag ang kanilang responsibilidad sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lungsod.