Miyembro ng kababaihan, nakiisa sa Women Empowerment Seminar

0

Miyembro ng kababaihan, nakiisa sa Women Empowerment Seminar

viber_image_2025-03-11_14-43-12-744

Nakiisa ang mga miyembro ng kababaihan sa isinagawang Women Empowerment Seminar na ginanap sa Covered Court Barangay Paradahan Uno, Tanza, Cavite nito lamang Lunes, ika-11 ng Marso 2025.

Ito ay pinangunahan ng mga Barangay Officials ng naturang Barangay kasama ang mga kapulisan ng Tanza Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Al-Rieza S Kinang, Officer-In-Charge.

Tinalakay sa aktibadad ang paksa ukol sa Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004, Rape Law o RA 8353 at Anti-Bastos Law o RA 11313 kaugnay sa National Women’s Month.

Layunin ng aktibidad na itaas ang kamalayan ng mga kababaihan tungkol sa karahasan na nakabatay sa kasarian, pagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng kasarian, pagtataguyod para sa mas matibay na batas at  patakaran at pagpapakilos ng mga komunidad tungo sa maayos at ligtas na pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *