Community Outreach Program isinagawa sa Rizal, Palawan

Matagumpay na isinagawa ang community outreach program na may temang “Ang Kapatirang nagkakaisa at may Malasakit para sa iba!” na ginanap sa Sitio Calupisan Barangay Punta Baja, Rizal, Palawan nito lamang ika-26 ng Abril 2025.
Naisakatuparan ang aktibidad na pinangunahan ng TAU GAMMA PHI/Sigma DIMASALANG PB Chapter sa pakikipagtulungan sa Municipal Health Office sa pamumuno ni Dra. Kristal Care Pineda, Dr. Romeo Dela Vega Jr. at Malaria Warriors.
Nakiisa rin ang mga tauhan ng Rizal MPS sa pangunguna ni PCpt Nollie S Vergara, OIC upang maghatid ng seguridad at pagpapanatili ng katahimikan sa naturang gawain.
Kabilang sa mga serbisyong hatid ay ang libreng tuli, pagsasagawa ng check-up, pamimigay ng libreng gamot, relief goods, at mga damit.
Layunin ng aktibidad na makatulong sa komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng suporta at serbisyong kinakailangan upang mapaunlad ang kabuhayan at kapakanan ng mga mamamayan sa komunidad.