Force Multiplier, nakiisa sa Information Drive sa Bohol

0
viber_image_2025-04-28_14-17-49-079

Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Force Multiplier sa isinagawang Information Drive laban sa iligal na droga, terorismo, at kriminalidad na ginanap sa Loon, Bohol noong ika-25 ng Abril 2025.

Ito ay pinangunahan ng Loon Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Major Rey Olar, hepe ng istasyon.

Ipinaabot din sa mga dumalo ang mga ipinagbabawal na gawain kaugnay ng election period para sa nalalapit na National at Local Elections 2025.

Layunin nitong maghatid ng impormasyon hinggil sa mga batas at ordinansa na makakatulong sa kanilang araw-araw na pamumuhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *