Barangay Based Advocacy Group, aktibong nakiisa sa isinagawang patrolya ng Enrile PNP
Aktibong nakiisa ang Barangay Based Advocacy Group kasama ang Barangay Peace Action Teams sa isinagawang patrolya na ginanap sa Barangay Alibago, Enrile, Cagayan noong ika-3 ng Hunyo taong kasalukuyan.
Pinangunahan ang naturang aktibidad ni PCpl Joan Mabazza, Patrol PNCO ng Enrile Police Station sa ilalim ng Cagayan Police Provincial Office.
Layunin ng proyektong ito ang pagsasama-sama at koordinadong pagkilos ng mga himpilan ng PNP, mga opisyal ng barangay, kanilang BPATs, at iba pang katuwang na yunit upang mapalakas ang kampanya laban sa kriminalidad, mapabuti ang pagbibigay ng serbisyong pangkaligtasan, at matiyak ang maagap na pagtugon sa mga hinaing ng mamamayan.
Hindi lamang tumutulong ang mga ganitong aktibidad sa pag-iwas sa krimen, kundi nagiging daan rin ito upang makausap at makuha ang saloobin ng mga residente, at masigurong ang bawat isa ay ligtas at protektado.
Patuloy na hinihikayat ng Enrile Police Station ang aktibong partisipasyon ng bawat mamamayan sa pagpapanatili ng kaayusan sa komunidad, sapagkat ang kaligtasan ay responsibilidad ng lahat.
Source: Enrile PCR