Bloodletting Activity, isinagawa sa Cotabato City

Matagumpay na isinagawa ang Bloodletting Activity sa City Mall Activity Area, Cotabato City nito lamang ika-19 ng Hunyo 2025.

Pinangunahan ng Cotabato Regional and Medical Center ang naturang aktibidad katuwang ang Bureau of Jail Management and Penology–BARMM, at Cotabato City Police Office.

Ang aktibidad ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-34 na Anibersaryo ng BJMP na may temang “Matatag na Serbisyo, Patnubay sa Tunay na Pagbabago.”

Layon ng aktibidad na ito na makapagbigay ng suporta sa mga pangangailangang medikal sa pamamagitan ng donasyong dugo.

Mahalaga ang dugo sa iba’t ibang medikal na kondisyon, at ang mga donasyong ito ay nakatutulong upang matiyak na may sapat na suplay sa mga ospital at klinika.

Patuloy ang pakikiisa ng Cotabato City Police Office sa mga gawaing makatao bilang bahagi ng kanilang adbokasiyang protektahan at pangalagaan ang buhay ng bawat mamamayan. Isa itong moral na tungkulin na ating pinagsasaluhan para sa kapakanan ng komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *