Medical Mission, isinagawa sa Tanay, Rizal
Matagumpay na naisagawa ang Medical Mission para sa mga residente ng Barangay Sta. Ines Tanay, Rizal nito lamang ika-20 ng Hunyo, 2025.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng Members Church of God International (MCGI) katuwang ang Rizal Police Provincial office sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Felipe B Maraggun, Provincial Director.

Samantala ang Tanay Municipal Police Station, Rizal Provincial Mobile Force Company at Rizal Provincial Medical and Dental Team ay sumuporta din sa nasabing aktibidad kasabay ng paglatag ng seguridad para sa maayos at mapayapang programa.
Inihandog ng MCGI sa mga residente ng nasabing barangay ang libreng gamot, dental service, legal service at libreng konsultasyon.
Gayundin, personal na nakiisa si Honorable Rex Manuel Tanjuatco, Mayor ng Tanay na nagpakita ng suporta sa nasabing aktibidad.