BPATs, patuloy ang regular na night patrolling para sa seguridad ng komunidad

0
viber_image_2025-06-26_13-37-34-248

Nagsagawa ng regular night patrolling ang mga Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) ng Barangay Namaltugan at Barangay Ipet bilang suporta sa pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad ng mga awtoridad noong gabi ng Hunyo 25, 2025.

Ang nasabing aktibidad ay naglalayong maiwasan ang anumang pananakot o pag-atake ng mga armadong grupo sa pamamagitan ng masusing inspeksyon sa mga financial establishments at iba pang mahahalagang pasilidad na patuloy ang operasyon sa loob ng 24 oras sa kanilang nasasakupan.

Bukod sa pagpapatrulya, nagsagawa rin ng dayalogo ang mga nagpapatrulyang BPATs kasama ang mga duty force multipliers upang palakasin ang pagpapatupad ng neighborhood watch at curfew hours, na layuning mapanatili ang kaayusan sa gabi.

Mahalaga ang aktibong partisipasyon ng BPATs at mga mamamayan upang masigurong ligtas at tahimik ang bawat barangay. Patuloy din ang panawagan ng mga otoridad sa publiko na makipagtulungan sa pagbabantay at pag-uulat ng mga kahina-hinalang aktibidad sa kanilang komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *