BADAC Meeting, isinagawa sa Bohol
Matagumpay na isinagawa ang pagpupulong ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) ng Barangay Malayo Norte, Cortes, Bohol, noong ika-23 ng Hunyo 2025.
Dumalo ang mga miyembro ng BADAC at aktibong nakibahagi ang mga kinatawan mula sa Cortes Municipal Police Station sa ilalim ng pamumuno ni PCPT JOHN MICHAEL N. MENDIOLA, Chief of Police.
Isa sa mga pangunahing tinalakay ay ang pagpapatuloy ng Drug Clearing Operations, kung saan pinagtutuunan ng pansin ang mga hakbang upang mapanatili ang barangay na ligtas mula sa iligal na droga. Kabilang dito ang mga programa at aktibidad na isinasagawa upang makamit ang drug-cleared status ng lugar.
Napag-usapan din sa pulong ang kahalagahan ng KKDAT o Kabataan Kontra Droga at Terorismo, na siyang nagbibigay-diin sa aktibong partisipasyon ng kabataan sa laban kontra droga at radikalisasyon. Kalakip nito ang ELCAC o Ending Local Communist Armed Conflict, na naglalayong tugunan ang mga ugat ng rebelyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang serbisyo at oportunidad sa mga komunidad.
Layunin ng pagpupulong na pagtibayin ang kampanya laban sa ilegal na droga, palakasin ang anti-terorismo, at isulong ang Barangay Drug Clearing Program (BDCP) at iba pang kaugnay na usapin. Ang inisyatibong ito ay sumasalamin sa pagkakaisa ng pamahalaan at mamamayan sa ilalim ng adhikain ng Bagong Pilipinas.