Tree Planting Activity, idinaos
Idinaos ang tree planting activity sa Barangay Saub, Matanao, Davao del Sur bilang bahagi ng Pagdiriwang ng Philippine Environment Month noong Hunyo 25, 2025 sa Barangay Saub, Matanao, Davao del Sur.
Pinangunahan ang nasabing aktibidad ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) ng Davao del Sur at aktibong nilahukan ng mga tauhan ng Davao del Sur Police Provincial Office, iba’t ibang kawani ng pamahalaan, mga beauty queens, at lokal na residente.
Layunin ng aktibidad na itaas ang kamalayan ng publiko sa kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan, lalo na sa gitna ng lumalalang epekto ng climate change.
Ang pagtatanim ng puno ay isang konkretong hakbang upang muling buhayin ang ating mga kagubatan at mapanatili ang balanse ng kalikasan.
