BUKPPO, Dumalo sa Localized Deradicalization Program Completion Ceremony

0
749161400_1601480157988851_7818483134130220340_n

Dumalo si Deputy Provincial Director for Operations PLTCOL Alfredo G. Ortiz Jr. ng Bukidnon Police Provincial Office (BukPPO), kinatawan ni PCOL Oliver S. Navales, Provincial Director sa Localized Deradicalization Program Completion Ceremony na ginanap sa Kaamulan Open Theatre sa Malaybalay City. Dalawampung (20) benepisyaryo ang matagumpay na nagtapos sa naturang programa.

Kinilala sa seremonya ang matagumpay na nagtapos sa proseso ng deradicalization bilang bahagi ng kanilang pagbabagong-buhay at paghahanda sa muling pakikibahagi sa lipunan. Layunin ng programa na itaguyod ang kapayapaan, pagkakasundo, at pangmatagalang katatagan sa komunidad.

Binigyang-diin din sa aktibidad ang patuloy na pagtutulungan ng pamahalaan, mga katuwang na ahensya, at iba pang stakeholder sa pagsuporta sa rehabilitasyon at matagumpay na reintegrasyon ng mga benepisyaryo upang maging produktibong mamamayan at katuwang sa pagpapanatili ng kapayapaan sa lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *