KKDAT ng Barangay Divisoria, Enrile sa Cagayan, nakilahok sa talakayan
Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng KKDAT sa isinagawang talakayan o Dialogue ng mga tauhan ng Enrile Police Station kaugnay sa SAGIP KABATAAN ng Barangay Divisoria, Enrile, Cagayan ngayong araw, ika-28 ng Hunyo taong kasalukuyan.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni PSMS Marlyn P Banan, MCAD PNCO ng Enrile Police Station.
Nagbigay kaalaman ang pulisya tungkol sa Crime Prevention at Anti-illegal drugs o ang programang “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan” (BIDA).
Kabilang din sa tinalakay ang tungkol SAGIP KABATAAN (Sangga at Gabay Ilalaan para sa Pangarap ng Kabataan).
Labis ang pasasalamat ng mga kalahok sa mga kaalaman na kanilang natutunan dahil malaking tulong ito sa kanila upang maiwasan ang pagiging biktima ng anumang uri ng krimen.
Layunin ng aktibidad na ito na madagdagan ang kamalayan ng mga mamamayan tungkol sa mga batas, bilang pagtugon sa mga programa ng pamahaalan na naglalayong mapaigting ang seguridad ng bawat mamamayan at mapanatili ang pagkakaisa ng bawat Pilipino.
Source: Enrile Police Station