Force Multipliers at Sangguniang Kabataan, nakilahok sa isinagawang symposium sa Biliran

0
viber_image_2025-06-30_14-04-46-505

Aktibong nakilahok ang mga Force Multiplier at Sangguniang Kabataan ng Barangay Mabili at Libertad sa isinagawang symposium na ginanap sa covered court ng Barangay Mabini Naval, Biliran nito lamang Hunyo 28, 2025.

Ang nasabing pagpupulong ay inisyatiba ng Naval Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Major Sherwin Amando L Machete, Officer-In-Charge.

Ang aktibidad ay dinaluhan ng mga Barangay Officials, BHWS, kinatawan mula sa sektor ng kababaihan, sektor ng senior citizen, Sangguniang Kabataan at mga barangay tanod.

Kabilang sa mga paksang tinalakay ang cyber safety bilang paalala sa mga magulang na subaybayan/suriin ang mga online na aktibidad ng kanilang mga anak at at R.A. 9262 (Anti-VAWC Law) na nagbibigay diin sa tungkulin at responsibilidad ng mga opisyal ng barangay sa pagharap sa mga insidente ng VAWC sa kani-kanilang komunidad.

Ang kaganapan ay inaasahang magsisilbing gabay at tamang pangaral para sa mga residente at mga kabataan upang mas maituwid ang kanilang landas bilang mga responsableng mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *