202 Benepisyaryo ng 4Ps, matagumpay na nagtapos sa Sta. Cruz, Ilocos Sur

0
viber_image_2025-06-30_14-27-44-779

Matagumpay na isinagawa ang seremonya ng pagtatapos ng 202 benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa bayan ng Sta. Cruz, Ilocos Sur, nito lamang ika-28 ng Hunyo, 2025.

Ang kanilang pagtatapos ay tanda ng kanilang pag-angat mula sa programa at pagsisimula ng panibagong yugto tungo sa mas maunlad na pamumuhay.

Sa kanyang mensahe, pinuri ni Mayor Teresita C. Valle ang dedikasyon at sakripisyo ng mga pamilya sa pagtugon sa pangangailangan ng kanilang mga anak. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng Family Development Sessions (FDS) na naging daan sa pagpapalalim ng kaalaman ng mga magulang sa responsableng pagpapalaki ng kanilang mga anak.

Samantala, tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na hindi nagtatapos sa graduation ceremony ang kanilang suporta sa mga nagtapos na benepisyaryo.

Patuloy na isinusulong ng ahensya ang internal at national convergence strategy upang matiyak na may mga angkop na tulong at oportunidad pa rin para sa mga pamilya, lalo na sa larangan ng kabuhayan, edukasyon, at kalusugan.

Ang matagumpay na pagtatapos ng 4Ps beneficiaries ay patunay na sa tulong ng gobyerno at pakikiisa ng komunidad, kayang makamit ng bawat Pilipinong pamilya ang layuning makabangon mula sa kahirapan.

Source: DSWD Field Office 1

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *