LGU, Kumunidad at Kapulisan, nagkaisa sa Crime Prevention Awareness sa Sta. Barbara, Iloilo

0
viber_image_2025-07-17_17-12-00-643

Nagkaisa ang iba’t-ibang sektor ng lipunan sa matagumpay Crime Prevention Awareness Seminar na isinagawa ng 1st Iloilo Provincial Mobile Force Company (PMFC) sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Arnel Solis, Force Commander, para sa mga Barangay Secretaries at piling Punong Barangay ng Sta. Barbara nito lamang ika-15 ng Hulyo 2025.

‎Ang nasabing aktibidad ay ginanap sa Liga ng mga Barangay Hall ng Sta. Barbara, sa pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Sta. Barbara na patuloy na nagpapakita ng matibay na suporta sa mga adbokasiya ng kapulisan, partikular na sa kampanya kontra kriminalidad at iligal na droga.

‎Sa nasabing pagtitipon, tinalakay ni PLtCol Solis ang mahalagang papel ng bawat mamamayan at opisyal ng barangay sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa komunidad.

‎Ipinaliwanag niya ang mga programa ng PNP tulad ng Barangay Drug Clearing Program at ang pinaigting na kampanya laban sa iligal na droga.

Binigyang diin sa nasabing aktibidad na ang tagumpay nito ay dahil sa suporta ng LGU at kumunidad na itinuturing na susi sa pagkamit ng layunin ng PNP at ng Gobyerno.

‎Lubos na pinasalamatan ng 1st Iloilo PMFC ang LGU ng Sta. Barbara sa pagbibigay ng venue, koordinasyon, at aktibong partisipasyon upang maisakatuparan ang aktibidad.

‎Sa pamamagitan ng pagkakaisang ito, mas napalalim ang ugnayan ng kapulisan at pamahalaang lokal, gayundin ang pagtutulungan tungo sa mas ligtas na komunidad.


‎Sa pagtatapos ng programa, tiniyak ng LGU at ng PNP ang patuloy na kolaborasyon upang maabot ang hangaring magkaroon ng barangay na malaya sa droga at kriminalidad, at mapalakas ang community partnership para sa isang progresibong Sta. Barbara.

‎Source: 1st IPMFC


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *