Ormoc City LGU, nagdonate ng bagong patrol car para sa Ormoc City PNP

0
viber_image_2026-03-10_11-16-46-913

Nagdonate ng bagong patrol car ang Local Government Unit ng Ormoc City sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Lucy Torres-Gomez para sa Ormoc City Police Office nito lamang March 9, 2026.

Ang naturang donasyon ay maluwalhating tinanggap ni PLTCOL JOEL R CAMACHO, Officer-in-Charge ng Ormoc CPO na personal na nagpasalamat sa Ormoc City LGU walang suporta nito sa kapulisan maging sa lahat ng mga programa ng himpilan para tiyakin ang kaligtasan ng publiko sa buong lungsod.

Ang bagong patrol vehicle ay inaasahang makakatulong sa operational capability ng himpilan maging sa kakayahan ng pulisya upang magresponde sa anumang uri ng emergency situations partikular na ang may kaugnayan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan at sa pagtiyak ng seguridad ng buong komunidad.

Dahil sa nasabing donasyon, mas mapagtibay pa ng mga awtoridad ang pagtupad sa kanilang mandato bilang mga tagapagpatupad ng batas maging sa pagsugpo ng lahat ng uri ng krimen sa kanilang mga nasasakupan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *