Feeding Program, isinagawa sa Catagdaan Elementary School
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-30 PCR Month ngayong 2025, matagumpay na isinagawa ng mga tauhan ng Pilar Municipal Police Station sa ilalim ng direktang superbisyon ni PCPT Waldo Suraliza Batad, Officer-in-Charge at Chief of Police, ang isang Feeding Program at pamamahagi ng food packs.
Ang programa ay ginanap sa Catagdaan Elementary School, Barangay Catagdaan, Pilar, Bohol, noong ika-15 ng Hulyo 2025.

Nakinabang dito ang humigit-kumulang 320 na mag-aaral ng nasabing paaralan.
Ang aktibidad ay naisakatuparan sa pamamagitan ng walang sawang suporta at kabutihang-loob ng butihing Hon. Wilson Lagapa Pajo, Mayor ng Pilar.
Sa kanyang tulong at sa kontribusyon ng iba pang katuwang, matagumpay na naipamahagi ang mga food packs sa mga bata. Ang bawat donasyon, gaano man ito kaliit o kalaki, ay may malaking naging epekto sa mga batang tumanggap at nagbigay ngiti sa kanilang mga mukha.
Layunin ng programang ito na maipadama ang malasakit ng kapulisan sa komunidad, lalo na sa mga kabataan. Isa rin itong paraan ng pagpapakita ng pasasalamat at pagpapaigting ng diwa ng bayanihan, pagtutulungan, at pag-asa sa bagong henerasyon.

Sa pamamagitan ng simpleng pagbabahagi ng pagkain, naipadama ang tunay na serbisyo at malasakit ng kapulisan sa mga mamamayan.