Mga Estudyante ng Grade 11, bida sa Balik-Eskwela Lecture ng Tanza PNP

0
viber_image_2025-07-18_11-38-11-180

Bilang bahagi ng OPLAN BALIK ESKWELA (OPLAN BES), matagumpay na isinagawa ang isang Information and Awareness Lecture sa Tanza National Comprehensive High School (TNCHS), Brgy. Daang Amaya II, Tanza, Cavite nito lamang Huwebes, ika-17 ng Hulyo 2025.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Tanza Municipal Police Station (MPS), sa pamumuno ni PSMS Clarita Vallado, Chief ng Women and Children Protection Section (CWCPS), sa ilalim ng direktang superbisyon ni PLtCol Al-Rieza S. Kinang, ACOP ng Tanza MPS, kasama ang mga Grade 11 students ng nasabing paaralan.

Tinalakay ang mga mahahalagang paksa patungkol sa Safety Tips para sa Balik-Eskwela, Crime Prevention, RA 11313 (Safe Spaces Act o Bawal Bastos Law) at Anti-Bullying Awareness.

Aktibong nakilahok ang mga mag-aaral sa talakayan at nagbahagi ng kanilang mga saloobin, nakilahok sa open forum, at nagpakita ng interes sa mga isyung may kinalaman sa kanilang kaligtasan at kapakanan bilang kabataan.

Layunin ng aktibidad na mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga estudyante upang makaiwas sa kapahamakan at maging responsableng miyembro ng komunidad.

Source: Tanza Municipal Police Station

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *