Collaborative Stakeholder’s Forum, sama-samanf isinagawa ng iba’t ibang ahensya sa Capiz

0
viber_image_2025-07-24_17-50-15-646

Isang matagumpay na Collaborative Stakeholder’s Forum ang sama-samang isinagawa ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa lalawigan ng Capiz nito lamang
Hulyo 23, 2025 na ginanap sa Function Hall, 4th Floor, PDRRMO Building, ESLA, Brgy. Lanot ng nasabing lungsod.

Ang naturang pagtitipon ay pinangunahan ng Capiz Police Provincial Office (PPO) sa pamumuno ni Police Colonel Albert D. Tapulao, Provincial Director, katuwang ang iba’t ibang ahensya at organisasyon.

Layunin nitong mas mapalalim pa ang kooperasyon sa pagitan ng PNP at ng mga katuwang mula sa iba’t ibang sektor, upang mapalakas pa ang mga hakbang para sa epektibong pagtugon sa mga insidente sa lalawigan.

Ang forum ay dinaluhan ng mga kinatawan mula sa lokal na pamahalaan, non-government organizations (NGOs), faith-based groups, at iba pang stakeholders na may mahalagang papel sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.

Isang mahalagang bahagi ng programa ang paglagda ng Pledge of Commitment kung saan sabayang nangako ang lahat ng mga kalahok na ahensya sa patuloy na pagtutulungan upang maisakatuparan ang mga estratehiya para sa mabilis at maayos na serbisyo sa publiko.

Bilang pagsunod sa direktiba ni CPNP PGen Nicolas D. Torre III tungkol sa “PNP’s 5-Minute Response Time Strategy” sa pamamagitan ng 911 Emergency System, isinagawa rin ang isang Simulation Exercise (SIMEX) sa lungsod ng Roxas at bayan ng Panitan.

Dito ay ipinamalas ang pinagsama-samang kakayahan ng kapulisan at mga katuwang na ahensya gamit ang makabagong teknolohiya para sa agarang pagresponde sa mga insidente.

Ipinakita sa SIMEX ang kahandaan at kahusayan ng mga kalahok na grupo sa pagtugon, kabilang ang mga personnel mula sa barangay, emergency responders, faith-based organizations, at civil society groups—isang patunay ng epektibong inter-agency coordination sa panahon ng pangangailangan.

Ang tagumpay ng forum ay patunay na sa iisang layunin ng kapayapaan at seguridad, nagkakaisa ang PNP, mga ahensya ng gobyerno, NGO, at iba pang sektor ng Lipunan, isang matibay na haligi ng tunay na bayanihan para sa ligtas at maunlad na Capiz.

Source: PCADG Western Visayas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *