BADAC at BPOC Meeting, isinagawa sa Lapulapu City
Isinagawa ang regular na buwanang pagpupulong ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) at Barangay Peace and Order Council (BPOC)
sa Bankal Barangay Hall sa Lungsod ng Lapu-Lapu, noong ika-23 ng Hulyo 2025
Pinamunuan ang naturang pagpupulong ni Hon. Celestino Pangatungan III, Punong Barangay ng Bankal.
Dumalo din ang mga kapulisan mula sa Police Station 5 ng Lapu-Lapu City Police sa pamumuno ni PEMS Luisito R. Ernie, Officer-in-Charge.
Bahagi ng naturang aktibidad ang tinalakay na mga isyu ukol sa kapayapaan, kaayusan, at kampanya kontra droga sa barangay.

Layunin ng pagpupulong na paigtingin pa ang ugnayan sa pagitan ng kapulisan at pamahalaang barangay upang mas mapalakas ang mga programang pangseguridad at mga hakbang laban sa kriminalidad sa kanilang nasasakupan.
Bilang karagdagan sa nakatakdang agenda, isinagawa rin ang isang pulong-pulong o dayalogo na nakatuon sa pagbibigay ng mga safety at security tips bilang paghahanda sa nalalapit na State of the Nation Address (SONA) 2025.
Tinalakay din dito ang mga anti-terrorism efforts ng gobyerno alinsunod sa mga inisyatibo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Binigyang-diin sa pagpupulong ang kahalagahan ng pagiging mapagmatyag ng mamamayan at ang agarang pag-uulat ng mga kahina-hinalang kilos o indibidwal.
Hinikayat ang lahat na makipagtulungan sa mga awtoridad at tumawag sa kanilang hotline number o mag-dial ng 911 sa oras ng pangangailangan.