Youth Empowerment Symposium, nilahukan ng mga mag-aaral ng Cagubatan NHS
Lumahok ang mga mag-aaral sa Youth Empowerment Symposium na isinagawa sa Cagubatan National High School, Tadian, Mt. Province noong Hulyo 24, 2025.
Ang nasabing aktibidad ay inorganisa ng 1502nd Regional Mobile Force Battalion katuwang ang Tadian Municipal Police Station, na nagsilbing mga tagapagsalita.
Tampok sa symposium ang talakayan ukol sa Anti-Bullying Awareness at Republic Act No. 11313 o mas kilala bilang Safe Spaces Act.
Layon ng aktibidad na turuan at palawakin ang kaalaman ng kabataan hinggil sa kanilang mga karapatan, pananagutan, at ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang ligtas at may paggalang na kapaligiran sa pag-aaral.
