BADAC Meeting, isinagawa sa Cebu City

0
viber_image_2025-08-01_12-25-48-663

Bilang bahagi ng layunin na masiguro ang isang ligtas at maayos na pamayanan, ang Inayawan Police Station 7 sa ilalim ng pamumuno ni PCPT Troy John A. Lalamunan, Acting Station Commander, ay lumahok sa buwanang pagpupulong ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) na ginanap sa Barangay Cogon Pardo, Cebu City, noong ika-31 ng Hulyo 2025.

Pinangunahan ni Punong Barangay Jay A. Bacalso ang pagpupulong na naglalayong pagtibayin ang mga hakbang laban sa iligal na droga at tugunan ang kasalukuyang isyu ng kriminalidad sa barangay.

Sa kanyang pamumuno, tinalakay ng konseho ang kasalukuyang kalagayan ng komunidad at kung paano maaaring mas mapabuti ang koordinasyon sa pagitan ng barangay at mga ahensyang nagpapatupad ng batas.

Ilan sa mga mahahalagang paksa ang napag-usapan, kabilang na ang pagpapalakas ng mga estratehiyang nakabatay sa barangay para sa drug intervention, pagpapabuti ng community reporting mechanisms, at mas pinaigting na presensya ng kapulisan upang agad matugunan ang anumang banta ng kriminalidad.

Layon ng mga hakbang na ito na mas maging maagap ang barangay sa pagtugon sa mga suliranin na may kinalaman sa droga at krimen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *