Community Outreach Program, isinagawa sa Abulug, Cagayan
Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga opisyales ng Barangay Calog Norte sa Barangay Calog Norte, Abulug, Cagayan nito lamang ika-31 ng Hulyo 2025.
Sa inisyatibo ng mga opisyales ng Barangay Calog Norte, na pinangunahan ni Hon. Fredelyn Alibuyog, Punong Barangay katuwang ang mga tauhan ng PNP Abulug, matagumpay na naisagawa ang feeding activity at pamimigay ng libreng gamot sa mga benepisyaryo ng nasabing aktibidad.
Nagbigay naman ng mensahe si PMSg Eddiemar Oloraza, PNP Abulug, na binigyang-diin ang kahalagahan ng pagtutulungan at kooperasyon ng bawat isa upang makamit ang maunlad at matiwasay na komunidad.

Layunin ng aktibidad na magbigay ng tulong sa mga residente ng nasabing barangay bilang bahagi ng pagdiriwang ng Nutrition Month.
Ang nasabing aktibidad ay naglalayon ding palakasin ang ugnayan ng PNP at ng komunidad sa pamamagitan ng mga proyekto at aktibidad na nagtataguyod ng kalusugan at edukasyon.
Source: Abulug Police Station