Provincial Eagles Club, katuwang ng Moncada PNP sa pamamahagi ng tulong para sa mga nasalanta ng bagyo

0
523424811_1132915671987535_8264838732557359163_n

Matagumpay na naisagawa ang isang makabuluhang aktibidad ng pamamahagi ng relief goods para sa mga pamilyang matinding naapektuhan ng magkakasunod na bagyong Crising, Dante, at Emong sa Sitio Bulog, Barangay Sta. Maria, Moncada, Tarlac noong ika-31 ng Hulyo, 2025.

Pinangunahan ng Provincial Eagles Club, sa pamumuno ni Kuya Christopher Villanueva, Provincial Governor ng Eagles, ang pamamahagi ng tulong na nagbigay pag-asa at ginhawa sa mga residente.

Ipinamalas ng organisasyon ang tunay na diwa ng bayanihan at malasakit sa kapwa sa panahon ng sakuna.

Bilang suporta sa aktibidad, agad na nagbigay ng area security at police presence ang mga tauhan ng Moncada Municipal Police Station sa ilalim ng pamumuno ni Police Major Santi Frey DC Lorenzo, Chief of Police, upang matiyak ang maayos at ligtas na daloy ng distribusyon.

Ang matagumpay na kolaborasyon ng Provincial Eagles Club at ng Moncada PNP ay patunay ng matibay na ugnayan ng mga civic organization at ng kapulisan sa pagsusulong ng ligtas, maayos, at makataong serbisyo para sa mamamayan.

Isa itong ehemplo ng epektibong pagtutulungan para sa kapakanan ng komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *