Pagtatapos ng 4Ps beneficiaries sa Daraga, Albay, dinaluhan ng RPSB – San Ramon

0
viber_image_2025-08-06_10-57-39-427

Bilang pagpapakita ng suporta sa mga programa ng pamahalaan, aktibong dumalo at nakiisa ang mga tauhan ng Revitalized-Pulis sa Barangay (R-PSB) San Ramon sa pamumuno ni PMSg Edcel B Brutas, Team Leader sa ginanap na seremonya ng pagtatapos para sa mga pamilyang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) nitong Agosto 5, 2025 sa Barangay San Ramon Covered Court, Daraga, Albay.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Mrs. Rose Anne R. Madrigalejos, Project Development Officer / Municipal Link ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) katuwang ang lokal na pamahalaan ng Daraga, Rural Health Unit, mga barangay opisyal at Barangay Health Workers, bilang pagkilala sa mga pamilyang nakapagtapos na sa programa dahil sa kanilang pagiging self-sufficient at pagkakaroon ng kakayahang makapamuhay nang hindi na umaasa sa tulong pinansyal ng gobyerno.

Nagbigay ng mensahe ng pagbati at inspirasyon ang mga kinatawan ng R-PSB San Ramon, kalakip ang pagpapaabot ng pasasalamat sa mga benepisyaryong nagsikap at naging modelo ng tagumpay sa komunidad.

Kasabay nito, tiniyak naman ng pulisya ang patuloy nilang suporta at pakikiisa sa mga programang pangkaunlaran sa barangay.

Ayon kay PMSg Brutas, ang partisipasyon ng R-PSB sa mga ganitong gawain ay bahagi ng kanilang mandato na magtaguyod ng kaayusan at pagtibayin ang ugnayan sa pagitan ng pamahalaan at ng mga mamamayan, lalo na sa mga liblib na lugar.

Ang Revitalized-Pulis sa Barangay ay isa sa mga pangunahing hakbang ng PNP sa pagtugon sa mga isyung panlipunan sa pamamagitan ng presensya at pakikilahok ng kapulisan sa mga aktibidad para sa ikakabuti ng bawat komunidad.

Source: Albay Police Provincial Office

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *