Inter-Agency Meeting kaugnay sa kalamidad, isinagawa sa Negros Oriental
Dumalo ang mga tauhan ng Basay Municipal Police Station sa pangunguna ni PCPT RODERICK S. MAHIPUS, Officer-in-Charge, sa 3rd Quarter Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) Meeting.
Ang nasabing pagpupulong ay ginanap sa opisina ng LDRRM sa Barangay Poblacion, Basay, Negros Oriental, noong ika-6 ng Agosto 2025.
Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa 11th Infantry Battalion ng Philippine Army (11IB PA), Philippine Coast Guard – Basay (PCG-BASAY), Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO), at mga opisyal mula sa Lokal na Pamahalaan ng Basay.
Layunin ng aktibidad na pagtuunan ng pansin ang pagpapalakas ng koordinasyon at komunikasyon sa pagitan ng mga ahensya para sa mas epektibong pagtugon sa anumang sakuna.
Bukod pa rito, nais din ng naturang pagpupulong na masiguro ang kahandaan ng bawat ahensiya sa lalawigan sa pagharap sa mga natural na kalamidad tulad ng bagyo, pagbaha, lindol, at iba pang panganib.
Tinalakay rin ang mga hakbang upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad, lalo na sa panahon ng krisis at kalamidad.