Awareness Lecture, isinagawa ng R-PSB Buga sa Libon, Albay

0
viber_image_2025-08-07_12-33-59-307

Bilang bahagi ng kanilang patuloy na kampanya para sa pagpapaigting ng kaalaman at kamalayan ng mga mag-aaral at komunidad, matagumpay na isinagawa ng mga tauhan ng Revitalized-Pulis sa Barangay (R-PSB) Buga sa pamumuno ni PMSg Rudy Madrelejos, Team Leader ang isang Awareness Lecture nitong Agosto 5, 2025 sa Buga National High School sa Libon, Albay.

Tinalakay sa naturang aktibidad ang mga mahahalagang paksa gaya ng crime prevention, Republic Act 7610, violence against women and children (VAWC), illegal drugs, at anti- terrorism.

Layunin ng naturang aktibidad na mas mapalapit ang kapulisan sa mga mag-aaral at mapalalim ang kanilang partisipasyon sa pagsusulong ng kapayapaan at kaayusan hindi lamang sa paaralan kundi pati sa buong barangay.

Ayon kay PCOL JULIUS C AÑONUEVO, Provincial Director ng Albay PNP, ang pagsasagawa ng ganitong mga aktibidad ay isang mabisang paraan upang mabigyan ng sapat na kaalaman ang publiko hinggil sa kanilang mga karapatan, responsibilidad, at ang papel nila sa pagtataguyod ng ligtas na pamayanan. “Ang kaalaman ay kapangyarihan. Sa pamamagitan ng mga awareness lectures na ito, naipapaabot natin sa mga mamamayan ang mga tamang impormasyon upang sila ay maging aktibong katuwang sa pagpapanatili ng kaayusan,” dagdag pa niya.

Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng whole-of-nation approach sa ilalim ng Executive Order No. 70, na layong sugpuin ang ugat ng kriminalidad at insurhensiya sa pamamagitan ng pagtutulungan ng gobyerno, paaralan at komunidad.

Source: Albay Police Provincial Office

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *