Bloodletting Activity, pinangtulungang isinakatuparan sa Janiuay, Iloilo

0
viber_image_2025-08-09_17-14-54-622

Muling ipinamalas ang matagumpay na pagtutulungan ng Regional Mobile Force Battalion 6 (RMFB6) sa pangunguna ni PLTCOL Alexander R Rosales, Officer-in-Charge, Philippine Redcross at ng Janiuay Rural Health Unit sa pamamagitan ng isang bloodletting activity na isinagawa nito lamang ika-8 ng Agosto 2025, na idinaos sa Brgy. Calmay Covered Gym, Janiuay, Iloilo.

‎Sa naturang aktibidad, nagtipon ang iba’t ibang sektor upang magkaisa para sa kaligtasan at kalusugan ng mamamayan.

‎Sa temang “Give Blood, Give Hope: Together We Save Lives,” nagpadala ang RMFB6 ng walong matagumpay na blood donors na nakalikom ng kabuuang 3,600cc ng dugo, isang mahalagang ambag na magagamit sa oras ng mga kagipitang medikal.

‎Ang matagumpay na kolaborasyon ng RMFB6, Janiuay RHU, at Philippine Red Cross ay patunay ng matibay na ugnayan at sama-samang pagsisikap ng mga ahensya ng lipunan para sa kapakanan ng komunidad.

‎Higit pa sa simpleng pagbibigay ng dugo, ipinakita ng aktibidad ang diwa ng bayanihan, malasakit, at responsibilidad sa kapwa.

‎Sa pamamagitan ng ganitong mga inisyatibo, patuloy na pinapatunayan ng ating mga awtoridad at ng mga katuwang nitong mga ahensya na ang pagtutulungan ay susi sa mas ligtas, mas malusog, at mas matatag na pamayanan.

‎Source: RMFB6 FB Page

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *