BPATs at Barangay Officials ng Sinapangan Sur, Balaoan, nagpatupad ng mas mahigpit na seguridad
Mas pinaigting ng mga opisyal ng Barangay Sinapangan Sur at mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) ang kanilang mga hakbang kontra kriminalidad sa pakikipagtulungan ng mga pulis mula sa Balaoan Police Station, gabi ng Agosto 8, 2025 .
Kabilang sa kanilang mga isinasagawang gawain ang regular na neighborhood watch upang mabantayan ang kaligtasan ng bawat residente, mahigpit na pagpapatupad ng curfew hours para mapanatili ang kaayusan sa gabi, at pagpapaigting ng disaster preparedness upang maging handa ang komunidad sa anumang sakuna.
Ang ganitong uri ng kooperasyon sa pagitan ng pulisya, barangay officials, at BPATs ay malaking tulong upang mapanatili ang katahimikan, kaayusan, at kaligtasan ng mamamayan sa lugar.