Health and Drug Forum, nilahukan ng Tabaco City PNP

0
viber_image_2025-08-10_15-41-18-500

Nakilahok ang mga tauhan ng Tabaco City Police Station, sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL EDMUNDO A. CERILLO Jr. Chief of Police, na siyang nagsilbing guest lecturer sa idinaos na Adolescent Health and Drug Forum nitong Agosto 9, 2025 sa Barangay Tayhi ng nasabing lungsod.

Layunin ng naturang forum na gabayan ang mga kabataan katuwang ang mga miyembro ng Barangay Council, sa pamumuno ni Punong Barangay Hon. Archie R. Ballaran kaugnay sa mga isyu sa kalusugan ng kabataan, sa pagtataguyod ng isang malusog na pamumuhay, at palakasin ang paninindigan ng komunidad laban sa mga masasamang epekto ng iligal na droga.

Ang inisyatiba na ito ay sumasalamin sa pangako ng Tabaco CPS na makisali sa komunidad, lalo na sa mga kabataan, sa pagpapaunlad ng isang ligtas, malusog, at maayos na komunidad na malayo sa panganib ng iligal na droga.

Source: Tabaco City Police Station

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *