BPATs at BPSO, sumailalim sa pagsasanay sa Dalaguete, Cebu
umailalim sa pagsasanay ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) at Barangay Public Safety Officers (BPSO) na ginanap sa Barangay Maloray, Dalaguete, Cebu, noong ika-9 ng Agosto 2025.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng 703rd Maneuver Company sa pamumuno ni PLT Max Garcia Aurellano, OIC at Company Commander ng RMFB7, na siyang nagfacilitate ng lecture at seminar ukol sa mga tamang teknik ng pag-aresto.
Layunin ng aktibidad na ito na mapalakas ang kaalaman at kasanayan ng mga barangay peacekeepers sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng komunidad.
Tinalakay sa seminar ang mga hakbang at teknik sa ligtas at maayos na pag-aresto, kabilang ang tamang paggamit ng puwersa, pagtiyak sa kaligtasan ng parehong suspek at peacekeeper, at pagsunod sa legal na proseso.
Binigyang-diin din ang kahalagahan ng propesyonalismo, koordinasyon, at malinaw na komunikasyon sa bawat operasyon.
Patuloy ang RMFB7 sa pagbibigay ng ganitong uri ng pagsasanay bilang bahagi ng kanilang misyon na maghatid ng mas ligtas at mapayapang pamayanan para sa bawat Pilipino.