Pagbibigay ng seguridad sa COMELEC Registration, isinagawa sa ZamboNorte

0
527191734_1841968833042498_7126889036096963694_n

Matagumpay na nabigyang seguridad ang isinagawang COMELEC Registration sa Barangay Guban, Sirawai, Zamboanga del Norte nito lamang ika-10 ng Agosto 2025.

Pinangunahan ng Sirawai Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Captain Berjhon B Tianok, Officer-In-Charge, sa pakikipagtulungan ng mga kawani ng COMELEC at rehistrante ay maayos na naisagawa ang aktibidad.

Layunin ng ating mga kapulisan na matiyak ang kaligtasan ng mga kawani ng COMELEC at mga rehistrante, mabigyan ng maayos at mahinahong pagsasagawa ng proseso sa pagpaparehistro ng mga botante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *