3rd Quarter Council Meeting ng Provincial Anti-drug Abuse Council, isinagawa sa Puerto Prinsesa City

0
viber_image_2025-08-12_12-03-45-973

Sa kauna-unahang pagkakataon, pinangunahan ni Gob. Amy R. Alvarez , Chairman, ang 3rd Quarter Council Meeting ng Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC) na ginanap noong Agosto 10, 2025 sa VJR Hall ng Gusaling Kapitolyo.

Pangunahing tinalakay ang pag-apruba ng minutes mula sa 2nd Quarter Council Meeting, presentasyon mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) patungkol sa Barangay Drug Clearing Status, at ang update ng Palawan Provincial Police Office sa mga isinagawang anti-drug activities at operasyon.

Samantala, tiniyak ng pamahalaang lungsod ng Puerto Princesa ang patuloy na suporta sa mga Community-Based Rehabilitation Program sa iba’t ibang munisipyo sa lalawigan. Kabilang dito ang maayos na implementasyon ng mga adbokasiya kontra iligal na droga, pagbibigay ng sapat na kaalaman sa publiko, at pagtutok sa pagpapatibay ng samahan ng bawat pamilya at komunidad.

Ito ay bilang tugon sa layuning mapanatili ang isang ligtas at drug-free na Palawan alinsunod sa Executive Order No. 15, Series of 2025, na layuning palakasin ang Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC) sa Palawan.

Source: PIO PALAWAN

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *