School Symposium, isinagawa sa San Andres Elementary School

0
viber_image_2025-08-14_11-48-11-790

Aktibong nakilahok ang mga mag-aaral ng San Andres Elementary School sa isinagawang School Symposium na ginanap sa Brgy. San Andres, Julita, Leyte nito lamang Agosto 13, 2025.

Ang aktibidad ay inisyatiba ng Julita Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Captain Esteven M Pagtabunan, Acting Chief of Police na dinaluhan ng mga guro at mag-aaral ng nasabing paaralan.

Tinalakay sa aktibidad ang tungkol sa Anti-Child Abuse, Anti-Bullying, Drug Awareness, EO 70 o ELCAC, Anti-Rape Law, Crime Prevention Safety Tips at ang bagong programa ng PNP, ang 911 5-minute response time.

Ang ganitong mga aktibidad ay mahalaga sa pagpapalawak ng kaalaman ng kabataan at pagpapalakas ng kanilang papel sa pagbuo ng ligtas at maunlad na komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *