PROJECT R.E.A.D.Y, isinagawa sa Cagbuhangin Elementary School sa Ormoc City
Matagumpay na idinaos ang PROJECT R.E.A.D.Y (Resistance Education Against Drugs for the Youth) sa mag-aaral na Grade 4, 5 at 6 ng Cagbuhangin Elementary School, Ormoc City nito lamang Agosto 13, 2025.
Ang aktibidad ay inisyatiba ng mga tauhan ng City Community Affairs and Development Unit Ormoc City Police Office sa pangangansiwa ni Police Colonel Joel R Camacho, Officer-in-Charge.
Tinalakay sa aktibidad ang PROJECT R.E.A.D.Y na naglalayong pagprotektan ang mga kabataan mula sa masasamang epekto ng mapanganib na droga, gayundin ang iba’t ibang child-related laws.
Ang naturang aktibidad ay naglalayong itaas ang kamalayan sa mga kabataang mag-aaral tungkol sa kanilang mga karapatan, responsibilidad, at personal na kaligtasan, pagpapaunlad ng diwa ng disiplina at kahandaan kapwa sa paaralan at sa tahanan.