Linggo ng kabataan 2025, isinagawa sa Aurora, Isabela
Nagsagawa ang Lokal na Pamahalaan ng Aurora ng Linggo ng Kabataan 2025, na may temang “Local Youth Actions for the Sustainable Development Goals and Beyond”, sa iba’t ibang paaralan ng bayan Ng Aurora, Isabela nito lamang ika-16 ng Agosto 2025.
Bida ang Kabataang Auroreño ngayong Buwan ng Agosto sa pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2025 na kinikilala ang mahalagang papel ng kabataan sa paghubog ng mas makakalikasan, makatao, at makabuluhang kinabukasan.
Pinangunahan ito ng SK Federation at Local Youth Development Council (LYDC), katuwang ang Aurora PNP, Menro Aurora – Isabela, at Rhu Aurora Isabela.
Layunin ng aktibidad na maghatid ng kaalaman, magsimula ng makabuluhang diskusyon, at hikayatin ang malikhaing pagpapahayag ukol sa mga isyung kinahaharap ng kabataan ngayon.
Lubos ding nagpahayag ng suporta si Municipal Mayor Joseph Christian “Niño” Uy, na nakiisa sa selebrasyon at patuloy na sumusuporta sa mga inisyatibang para sa kapakanan at kaunlaran ng Kabataang Auroreño.
Source: Aurora Isabela