Youth for Peace Movement, nakilahok sa coastal Clean up Drive sa Guihulngan City
Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng Youth for Peace Movement Guihulngan City Chapter sa Clean-Up Drive na ginanap sa Guihulngan City, Negros Oriental noong ika-16 ng Agosto 2025.
Ang aktibidad ay dinaluhan ng iba’t ibang grupo, kabilang ang 1st Maneuver Platoon, 4th Maneuver Company sa ilalim ng direktang superbisyon ni PMAJ John Remo Oñate Evangelio, Acting Company Commander Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Philippine Army (PA), mga opisyal ng Barangay, mga guro, estudyante, at kawani ng Saint Francis College, at ang komunidad ng Sitio Bateria.
Layunin ng aktibidad na ito na palalimin ang ugnayan ng pulisya sa komunidad at itaas ang kamalayan sa pangangalaga at pagpapanumbalik ng likas na ganda ng ating mga baybaying dagat. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, naipapakita ang kahalagahan ng kooperasyon ng iba’t ibang sektor sa pagtataguyod ng malinis at ligtas na kapaligiran.

Ang ganitong hakbang ay patunay na ang bawat isa—mula sa pamahalaan, paaralan, organisasyon, at komunidad—ay may mahalagang papel sa pangangalaga sa kalikasan.
Sama-sama, masisiguro natin ang mas maayos at mas magandang kinabukasan ng ating bayan.